top of page
Search
gemzonjoaquingabri

Climate change in our country

Updated: Jan 16, 2022

Ang pagbabago ng klima sa ating bansa: Sa panahon natin ngayon uso na ang usap usapan ng "Climate Change" sa Pilipinas dahil isa ito sa mga isyung hindi basta basta madaling mahanapan ng solusyon, ngunit ay tanungin natin ang ating mga sarili Ano nga ba ang Climate change? Sa madaling salita ay tumutukoy ito sa pangmatagalang pagbabago ng temperatura at klima na nakakaapekto sa parang araw-araw na pamumuhay ng tao. Ito ay sanhi na rin ng mga tinatawag nating Greenhouse Gases na umaakyat sa atmospera ng ating Mundo dahil sa pagsusunog ng fossil fuels. Ang mga halimbawa nito ay natural na gasol, langis, o kaya naman ay karbon. Ang mga heat trap na gasol ay isa sa mga bagay na nakakaambag sa climate change sapagkat ito ay nagpapainit sa mga dagat na nagreresulta sa pagtaas ng lebel ng tubig sa bawat parte ng mundo. Ang isa pang tanong na kailangan nating pagtuunan ng pansin ay Ano nga ba ang kailangan nating gawin upang hindi pa ito mas lalong makasama sa kapaligiran? Unang una ay kailangan nating magtipid sa kuryente, bakit? Dahil sa pamamagitan nito ay mas lalo nating mababawasan ang pagtaas ng greenhouse gases emissions. Pangalawang paraan naman ay bawas bawasan na ang paggamit ng mga sasakyan sapagkat ito ay nagdudulot ng malawakang polusyon sa bansa bagkus ay mas mainam kung tayo ay maglalakad na lamang o magbisikleta upang mas mabawasan natin ang polusyon sa siyudad o kahit saan pa man ito makarating.


Mga Projeksyon ng Climate Change sa bansa:


  1. Ang temperatura sa bansa ay mas lalo pang tumaas dahil sa aktibidad ng tao. (Illegal Logging, Polusyon, Pagsusunog ng fossil fuels/coals.)

  2. Sa pamamagitan ng Thermal expansion at Glacial Melting ay mas lalo pang tumaas ang lebel ng ating karagatan ng 1m.

  3. Mga Bagyo: Ang maaaring sanhi ng mga malalakas na Storm signals ay dahil sa pag-init ng hangin na makakasalubong ng malamig na hangin.

Mga link:


29 views

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page