top of page
Search
cruzearlvincent

Nuclear Power Plants: Pros & Cons

Updated: Jan 16, 2022



Kalamangan at Kahinaan ng Nuclear Power Plants:


Kapag naririnig natin ang salitang “nuclear”, ang naiisip ng mga ibang tao ay ang mga nuclear bombs na ginamit noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig at noong Digmaang Diplomasya, ngunit marami-rami rin lalo na sa panahon ngayon ang mga tinatawag na nuclear power plants. Ang nuclear power plant ay planta na nagbubunga o nagdudulot ng mga enerhiyang nuclear. Ayon sa Spring Power & Gas website, lakas at enerhiyang nuclear ay isinasaalang-alang na isa sa mga "environmentally friendly" at isa rin sa mga ligtas na produksyon ng enerhiya sa buong mundo na konti ang mga emisyon at mahusay na kahusayan. Ngunit naiisip ba natin ang mga iba’t-ibang mga kalamangan at kahinaan ng pagkakaroon ng mga nuclear power plants sa ating mundo? Marami ang mga kalamangan at kahinaan ng pagkakaroon nito pero alamin muna natin kung paano ginagawa at kung saan nanggaling ang enerhiya ng mga power plant.


"Nuclear power will help provide the electricity that our growing economy needs without increasing emissions. This is truly an environmentally responsible source of energy." -Michael C. Burgess


Nuclear Energy


Ang pagkakaroon at paggawa ng enerhiyang nuclear ay isang mahirap na proseso para sa mga manggagawa at mga siyentista. Ang proseso ng paggawa ng enerhiyang ito ay sa paghati-hati ng mga atomo at mas partikular ang mga atomo ng uranium. Hindi nawawala ang enerhiya sa paghati nito, nagiging init siya at pagkatapos ay nagiging elektrisidad. Ang isang power plant ay ang nagsisilbing proteksyon para hindi ito maging pinsala sa ating mga kapaligiran. Ayon rin sa Conserve Energy Future website, ang enerhiyang ito ay ginagawa sa pamamagitan ng mga chain reactions, at binubuo gamit ng nuclear fission. Ngayon na natalakay ang maikling kahulugan sa likod ng enerhiya ng nuclear power plants, ating naman talakayin ang mga kalamangan at kahinaan ng pagkakaroon ng enerhiyang nuclear at ng mga nuclear power plants.



Mga Kalamangan o Benepisyo:


Marami ang mga kalamangan o sa iba ring salita, marami rin ang mga benepisyo ng pagkakaroon ng mga nuclear power plants sa ating mundo. Ayon sa pananaliksik at sa mga impormasyon na galing sa mga maraming mga website, marami ang mga pangunahing kalamangan o benepisyo nito...



Mababang Gastos sa Pag-opera

Process of Nuclear Power Plant Operation

Mababa ang paggastos na pag-operahin ang mga nuclear power plants. Mas mababa ang gastos nito kaysa sa mga ibang alternatibong paggawa ng mga enerhiya, tulad ng gas, uling, at langis. Mababa rin ang mga gastos dahil sa ang pag-opera ng mga power plants ay sinasabi na medyo madali. Kinakailangan lang rin ng pag-refuel halos kada 1-2 na taon, o 18-24 na mga buwan. Mga kagamitan na yari sa metal na kinakailangan ay hindi rin masyado mahal dahil sa hindi ganun kamahal ang presyo ng mga gamit sapagkat hindi palagi hinihingi ng buong mundo ang mga kagamitan gaya ng uranium. Kaya mababa ang mga gastusin ay dahil sa mababa ang kanilang ginagastos para sa mga kagamitan at makatutulong ito para hindi na masyado mahirapan sa mga tuntunin ng ekonomiya at pagpapanatili ng mga operasyon nito. Nakalagay rin sa Électricité de France (EDF) na nakakatulong rin ito sa mga demanda ng mga bansa lalo na sa enerhiya at elektrisidad sapagkat mababa lamang ang gastos sa pag-opera nito.



Maaasahan at Matatag na Pinagmulan ng Enerhiya


Maaasahan ang enerhiyang nuclear lalo na sa pag iba-iba ng mga panahon. Ang solar at wind power ay kinakailangan pa ng tiyak na kondisyon ng panahon para mag-imbak at gumawa ng enerhiya para sa mga komunidad, ngunit ang enerhiyang nuclear ay hindi masyado umaasa sa mga panahon at maganda asahan kapag kailangan. Hindi rin apektado ang paggawa ng enerhiyang nuclear na hindi tulad ng ibang mga enerhiya. Kapag humina ang hangin sa paligid ay naapektuhan ang wind energy at kapag naging gabi na ay naapektuhan ang solar energy. Bagaman sa nuclear energy ay hindi talaga umaasa masyado sa kapaligiran dahil nasa isang power plant rin ang paggawa ng enerhiya. Walang tigil rin ang paggawa ng enerhiyang ito sapagkat hindi nga naapektuhan. Matatag o stable rin ang enerhiyang nuclear dahil sa pwede isaayos kung malakas o mababa ang gagamitin na enerhiya, hindi katulad sa wind energy na kung saan depende sa lakas ng hangin ang lakas o baba ng paggawa ng enerhiya. Maasahan at matatag ang pinagmulan ng enerhiyang nuclear dahil dito at mas matatag kumpara sa ibang mga renewable energy na nagagamit rin natin araw-araw. Base rin sa Spring Power & Gas website, kaya ng mga nuclear power plants na mabuhay ng 70-80 na taon at sinabi na:


Nuclear Energy Illustration

While that may not sound like a long time, it is longer than many fossil fuels are estimated to last, and there are other nuclear energy sources being explored to power nuclear power plants”. Maaasahan rin ang nuclear power plants at ang enerhiyang nuclear dahil sa mataas na energy density nito at mas malakas na enerhiya kaysa sa ibang mga alternatibong mga pamamaraan.





Mababang Polusyon


Karamihan ng paggawa at pagkakaroon ng enerhiyang nuclear ay mas mababa siya na gumawa ng polusyon sa kapaligiran. Hindi palagi sapagkat may mga ilang bahagi ng pagkakaroon ng enerhiyang ito na nakakasama rin sa kapaligiran, ngunit karamihan ay ito ay mas mababa kumpara sa ibang mga paraan ng paggawa ng enerhiya gaya ng mga petrolyo o mga fossil fuels. Ito rin ang may isa sa mga pinakamababa na produksyon ng karbon sa atmospera. Mas malinis ang paggamit ng uranium kumpara sa mga petrolyo kaya mababang polusyon ang ginagawa ng mga nuclear power plants at ang enerhiyang ito. Ayon sa Office of Nuclear Energy ng Estados Unidos na sa kanilang bansa ay malaki ang bawas ng produksyon ng karbon na nasa higit 470 milyon metrikadong tonelada ang naiiwasan dahil sa mga nuclear power plants. sa ating kapaligiran at nakakatulong ito para sa pagkakaroon ng carbon-free electricity at pati rin sa decarbonization ng mga iba’t-ibang mga transportasyon at mga lugar ng mundo. Ani rin ng Power Technology website na talagang konsidera na ang enerhiyang nuclear ay “environmentally friendly source of energy” at ayon rin sa mismong website ng World Nuclear Association (WNA) na isa talaga ang enerhiyang nuclear sa mga low-carbon producers na napapatunay ayon sa mga saliksik at ng mga graph.

Amount of Carbon Dioxide Emissions Graph (WNA)


Mataas na Antas ng Kaligtasan


“Nuclear energy, in terms of an overall safety record, is better than other energy.” - ito’y ani ni Bill Gates ayon sa Frc o Frontier Technology Corporation website. Mataas ang kaligtasan ng pagkakaroon ng nuclear power plants at paggawa ng enerhiyang nuclear dahil sa mas marami at ligtas ang mga proseso at mahusay na binubuo ng mga pamamaraan sa kaligtasan sa kanilang mga pasilidad sa mga power plants. May mga malaking mga pinsalang naidulot sa ilang power plants sa ating kasaysayan ngunit sa panahon ngayon marami ang mga seguridad at kaligtasan na napapahintulot sa buong mundo at sa mga power plants. Hindi maiiwasan ang mga aksidente, ngunit lahat ng tao, pati ang mga industriya, ay natututo sa mga nakaraang mga pagkakamali, at talagang tumataas ang seguridad ayon sa World Nuclear Association.


Cumulative/Increasing Operation and Safety over the years (WNA)


Trabaho & Ekonomiya


Ang mga nuclear industries ay sumusuporta sa mga malapit sa kalahating milyong mga trabaho sa Estados Unidos at pati rin sa mga ibang mga bansa na mayroong mga nuclear power plants. Nakakatulong rin sila sa mga kontribusyon at sa ekonomiya ng mga bansa, at dagdag pa dito na ayon sa Office of Nuclear Energy, nasa 60 bilyong dolyar ang kanilang gross domestic product kada taon sa bansang Estados Unidos. Nakakatulong ito hindi lamang sa pagkakaroon ng alternatibong mga enerhiya, kundi para rin sa mga taong nangangailangan ng trabaho at sweldo para sa kanilang pamumuhay, at para rin makatulong sa kanilang bansa. Ayon rin sa NEI (The Nuclear Energy Institute) na kada bagong nuclear plant ay nakakagawa ng 400-700 permanenteng mga trabaho para sa mga tao.



Mga Kahinaan o Negatibo:


Marami ang mga kalamangan ng pagkakaroon ng nuclear power plants, ngunit naiisip niyo rin ba kung ano-ano ang mga kahinaan ng pagkakaroon nito? Naiisip niyo rin ba ang mga masamang epekto ng pagkakaroon ng nuclear power plants? Ngayon ay titignan ang mga kahinaan ng enerhiyang nuclear at ng power plants nito...


Mahal ang Pagpapatayo


Sa mga benepisyo ng pagkakaroon ng nuclear power plants ay hindi magastos ang pag-opera at pagpapanatili, ngayon naman ay paano ang pagpapatayo nito? Ang kahinaan ng pagkakaroon ng nuclear power plants ay mahal ng pagpapatayo dahil sa mga materyales na kinakailangan para magpagawa ng mga ito. Ayon sa Spring Power & Gas, simula 2022 hanggang 2008 ang tinatantyang gastos para sa pagpatayo ng power plant ay tumaas galing sa 2-4 bilyong dolyar naging 9 bilyong dolyar na. Tumataas rin ang mga halaga kada taon na tayo ay nabubuhay kaya mahirap at mahal magpatayo ng mga nuclear power plants. Kailangan rin ng gastos para sa seguridad ng power plant and ng mga tauhan na kailangan. Matagal rin ang pagpapatayo ng mga power plants at mahaba ang proseso rin bago pa payagan na magpatayo ng mga power plants. Marami pang mga kailangan para sa pagtayo ng mga nuclear power plants na nakalagay sa isang graph ayon sa MIT Energy Initiative.


Nuclear Power Plant costs graph

Mga Aksidente


Kahit kasama sa mga kalamangan ang pagkakaroon ng mga mas maayos na seguridad at kaligtasan sa ngayong panahon, may mga pagkakataon na magkaroon ng mga aksidente ang mga nuclear power plants. Batay sa pahayag ng Power Technology, “if it goes wrong…” paano nga kung magkaroon ng masamang pangyayari gaya ng mga aksidente? Marami ang mga naging aksidente na may kaugnayan sa nuclear power plants, gaya ng sa Fukushima, Japan noong 2011, at sa Chernobyl, Ukraine noong 1986 na mas kilala sa katawagan na Chernobyl Accident o Disaster. Kahit sa anong galing ng kaligtasan, maari magkaroon ng kapahamakan katulad ng pagkakaroon ng pagtunaw o

Chernobyl Disaster 1986

meltdown. Marami rin ang maaring mapahamak, mga sibilyan o mga tauhan ng power plant, at ani ng International Atomic Energy Agency (IAEA) na posible na hanggang sa 4,000 ang mga masasawi sa katagalan ng pagkakaroon ng nuclear power plants.





Epekto sa Kapaligiran


Kahit sinasabi ng mga eksperto na ligtas ang enerhiyang nuclear at ang pagkakaroon ng nuclear power plants ay sinabi rin na “environmentally friendly”, paano naman ang mga lugar na pumapalibot sa nakatayo ng mga nuclear power plants? Kahit na batay sa MotherJones website na ang layo ng nuclear power plants ay 10-19 na milya na radius at sinasabi na lumikas kung magkaroon man ng epekto o aksidente sa mga malapit sa nuclear power plants, batay sa Plume Exposure Pathway Emergency Planning Zones (EPZ). Nakakaapekto rin ang

Nuclear/Radioactive Waste

nuclear power plants sa kapaligiran dahil sa nuclear waste na kanilang natatapon o ang pag-dispose nito. Mas lalo malala dahil sa karamihan ng mga power plants ay ginagawa malapit sa mga ayon-tubig gaya ng mga lawa at ilog. Kung itatapon doon ang mga waste ng mga power plant ay nakakaapekto talaga ito sa kapaligiran natin at ito’y masamang epekto. Sa pagkakaroon ng mga waste and radioactive na mga materyales sa mga kapaligiran ay hindi nakakabuti sa mga namumuhay kagaya natin. Isang ulat na pinamagatang "The Global Crisis of Nuclear Waste" ng isang Anti-nuclear environmental group, Greenpeace, noong Enero 2019, na ayon sa kanila ay “no solution on the horizon”. Nakakaapekto rin ang mga nuclear power plants sa pagmimina para sa mga uranium para maging gatong sa paggawa ng enerhiyang nuclear. Ang pagmimina para sa pagpapayaman ng uranium ay hindi ligtas ang proseso. Ang epekto nito sa kapaligiran ay maari masama batay sa mga nasabing mga dahilan, at iyon rin ay mga kahinaan sa pagkakaroon ng mga nuclear power plants.



Banta sa Seguridad


Nakakatakot rin para sa seguridad ng mga tao ang pagkakaroon ng mga nuclear power plants dahil may mga terorista na maari i-target ang mga power plants at gamitin ang mga ito para gumawa ng gulo at may intensyon na gumawa ng kapahamakan. Baka rin manakaw o magamit ang mga uranium o mga metal na

Nuclear/Radioactive Symbol

materyales na nasa loob ng nuclear power plant, at mahirap na sumailalim ang mga materyales na iyon sa maling mga tao. Kailangan laging may bantay at malaki at seguridad sa mga nuclear power plants, ngunit katakot pa rin ito isipin at katakot rin na mangyari kahit mataas ang kanilang mga seguridad.



Limitadong Suplay


Kahit na hindi ganun kaasa-asa ang nuclear power plants sa panahon, hindi gaya ng wind turbines at solar panels na kailangan pa ng tiyak na panahon para gumawa ng enerhiya, ang problema ay ang suplay ng uranium sa mundo. Kapag naubos ang suplay ng uranium sa mundo, ang mga nuclear power plants ay mawawalan ng silbi dahil sa hindi makakagawa ng enerhiya kapag walang suplay ng uranium. Maliban kung sa darating mga taon ay magkaroon pa tayo ng iba pang solusyon para dito, maari hindi maiiwasan ang pagkawala ng suplay ng uranium para sa enerhiyang nuclear.


Uranium Supply and Demand Chart (MINING.COM)


Sa lahat ng tinalakay at nasabi na mga katwiran sa parehong kalamangan at kahinaan ng pagkakaroon ng mga nuclear power plants, nasa sa atin ang mga pag-isip at desisyon kung talagang ligtas ang paggamit ng nuclear power plants. Marami mga eksperto at siyentista ang nagsasabi na ligtas sapagkat marami ang mga seguridad na proseso ang nagaganap. Nakakatulong rin ito sa ating enerhiya para sa ating kinabukasan at para sa ating mga mamamayan na nangangailangan ng mga elektrisidad. Ngunit kahit masasabing ligtas ay ibig sabihin na walang bahid sa kasaysayan ang pagkakaroon nito. Gaya ng sinabi ni dating Punong Ministro ng Japan na si Naoto Kan noong nagbitiw siya sa pwesto pagkatapos ng Fukushima disaster:

“While many technological measures can be taken to secure safety at nuclear power plants, such measures on their own cannot cover great risks.” -Naoto Kan

Ang lahat ng bagay ay may naibibigay na tulong, ngunit mayroon rin palagi na kontra o panganib sa lahat ng bagay, at isa doon ang nuclear power plants. Maganda na malakas ang enerhiya na ginagawa at may mga seguridad, ngunit mayroon pa rin mga masamang dulot para sa ating mga kapaligiran. Ngayon ay sa pagiging mas responsable sa kapangyarihan na mayroon ang kaya natin gawin, lalo na sa mga may hawak o may-ari ng mga nuclear power plants. Palakasin ang mga kalamangan, at magawan ng solusyon ang mga kahinaan. Iyon ang mga benepisyo at mga negatibo ng pagkakaroon ng power plants, o ang mga pros and cons nito.



Para sa karagdagang impormasyon patungkol sa Nuclear Power Plants and ang enerhiyang nito, maari panoorin ang mga videos na nakasaad sa ibaba:

Sources:

https://springpowerandgas.us/the-pros-cons-of-nuclear-energy-is-it-safe/
https://www.energy.gov/ne/articles/advantages-and-challenges-nuclear-energy
https://www.edfenergy.com/for-home/energywise/what-are-advantages-nuclear-energy
https://www.power-technology.com/features/nuclear-power-pros-cons/
https://www.frontier-cf252.com/blog/nuclear-energy-advantages/
https://www.conserve-energy-future.com/pros-and-cons-of-nuclear-energy.php
https://www.motherjones.com/politics/2011/03/does-us-nuclear-emergeny-planning-need-overhaul/
https://www.google.com/search?q=Plume+Exposure+Pathway+Emergency+Planning+Zone&rlz=1C1CHBF_enPH798PH798&oq=Plume+Exposure+Pathway+Emergency+Planning+Zone&aqs=chrome..69i57.1422j0j7&sourceid=chrome&ie=UTF-8&safe=active&ssui=on
https://cdn.greenpeace.fr/site/uploads/2019/01/REPORT_NUCLEAR_WASTE_CRISIS_ENG_BD-2.pdf?_ga=2.176858277.1849088914.1549876351-1635765717.1507707309
https://www.nei.org/about-nei
https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/3/34/Kernkraftwerk_Grafenrheinfeld_-_2013.jpg
https://energyeducation.ca/wiki/images/b/b7/Vogtle_NPP.jpg
https://i.ytimg.com/vi/2W-GEE6YU4M/maxresdefault.jpg
https://www.iaea.org/sites/default/files/styles/full_page_width_landscape_16_9/public/nuclearfission-1140x640.jpg?itok=Sv7Ultgx
https://www.thoughtco.com/thmb/U7mMng80T2_5w1bZE86fFRTZ2ps=/4016x2259/smart/filters:no_upscale()/atom-splitting-in-nuclear-fission-587169643-5792680a3df78c1734990723.jpg
https://image1.slideserve.com/2399716/nuclear-power-plant-operation-l.jpg
https://www.conservationinstitute.org/wp-content/uploads/2018/04/Depositphotos_109693792_original.jpg
https://world-nuclear.org/getmedia/75943202-9972-4d72-9689-8f79df0523b1/average-lifecycle-greenhouse-gas-emissions.png.aspx
https://world-nuclear.org/nuclear-essentials/how-can-nuclear-combat-climate-change.aspx
http://www.world-nuclear.org/getmedia/2210021c-9b81-4c8c-b2c8-8524213ac12d/cumulative-reactor-years-of-operation-2019.png.aspx
http://www.world-nuclear.org/information-library/safety-and-security/safety-of-plants/safety-of-nuclear-power-reactors.aspx
http://i.dailymail.co.uk/i/pix/2013/10/21/article-2469651-18E1807700000578-326_634x400.jpg
http://energy.mit.edu/wp-content/uploads/2020/11/Trancik_Figure_2.png
https://energy.mit.edu/news/building-nuclear-power-plants/
https://www.history.com/.image/t_share/MTU3ODc5MDg2OTY0OTQyMTUz/image-placeholder-title.jpg
https://cleanmanagement.com/wp-content/uploads/2021/07/CleanManagementEnvironmentalGroup-78704-Dispose-Radioactive-Waste-blogbanner1.jpg
https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcRijWaYJ6WHN1dMkaa0dkYmG3K40KqZZVw67g&usqp=CAU
https://mining.com/wp-content/uploads/2018/09/BMO-Historical-and-Future-Uranium-SupplyDemand.jpg
https://www.youtube.com/watch?v=TW6s2Q4Zl9E
https://www.youtube.com/watch?v=d7LO8lL4Ai4



118 views

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page